Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Friday, February 29, 2008

Philippine Politics...Useless!!!!

Madalas tuwing panahon ng eleksyon sumasagi sa aking isipan kung bakit pinaalis natin ang mga dayuhang Amerikano sa ating teritoryo.Mahaba habang panahon na ring tayong malaya ngunit napatunayan ba nating kaya na nating mag isa? Magmasid ka na lamang sa iyong paligid at makikita mo ang kasagutan.Maruming pulitika ang namamayani sa ating bansa sa ngayon.Talamak ang suhulan at korapsyon sa lahat ng uri ng tanggapan ng gobyerno, lalo pang nababaon sa kahirapan ang mga mahihirap na mamamayan, umaabot ng ilang taon bago matapos ang isang kaso, nagbabatuhan ng putik ang mga nakaupo sa puwesto sa halip na magtulungan at higit sa lahat ginagawang negosyo ang pulitika ng mga pulitiko.

Ipinagbunyi natin ang kasarinlan para mapabuti ang bayan subalit ang naging bunga'y lalo pang napasama.Iniiwas natin ang ating bayang apihin ng mga dayuhang Amerikanong magbibigay ng kaginhawahan upang magkaroon ng dignidad at sariling paninindigan para lamang gutumin, pahirapin at ilugmok lalo sa putikan ng buwaya sa sariling bayan.

Walang sinumang Pulitiko ang magbibigay ng kaluwagan sa kabuhayan para sa inang bayan hanggat utak ng isang bobong pinoy ang namamahala sa bansa.Papaano naman maresolba ang krisis ng bayan kung ang programa ng pamahalaan ay para sa ikabubuti ng iilan lamang at di ng buong bayan. Ang umupo sa kanyang puwesto at magpabango ng pangalan sa iilang tao-ang tumulong na pakainin sila sa sarili niyang pinggan sa halip na turuan silang maghanap ng kanilang sariling ikabubuhay na pang habang buhay mawala man siya sa kanyang kinauupuan?

Ang pagiging isang pangulo'y napakabigat na responsibilidad para sa isang mabuting mamamayan. Subalit isang madaling tungkulin para sa isang magnanakaw ng bayan. Ito'y nangangailangan ng malalim at matalinong pagpaplanong pakikinabangan ng lahat nang walang anumang kahit kaunting pansariling hangarin.Isang proyektong hindi nagangailangan ng agad agarang resulta kundi dahan dahan tungo sa kaunlaran ng bansa. Tanging isang pinunong may maka siyensyang pananaw lamang ang makagagawa nito. Kung hindi'y daragdagan n'ya lamang ang pagkakautang ng inang bayan sa ibang bansa.Pag nagkagayon magmula nang magsarili ang bansa hanggang ngayon, patuloy na magiging walang halaga ang pulitika sa mga pangkaraniwang mamamayan sa Pilipinas.

By Cybermind

My 2007 Post-Whats Life and Hay Buhay!!!