Si Lolo at Lola
Una
ko silang nakita at nakilala noong taong 1987 nang umuwi kami ng Bicol mula sa
pikikipagsapalaran sa Nueva Ecija. Tenant din ang mga magulang ko doon sa isang
malawak na bukirin na ang may ari ay wala ring anak. Sa bundok ng Agosais Lagonoy
nakatira sila Lolo at Lola, sa ibaba ng Talon. Sa pagkakaalam ko lang, labing
apat na ektaryang lupain ang kabuuang pag aari nila Lolo at Lola. Pagtatanim ng
kamote at palay, pangongopra (Copra-from niyog), paggawa ng banig mula sa
karagumoy at yung ginagawang walis tambo, (giron yata ang pangalan noon sa
lengguwahing Lagonoy Bicol) ang kanilang ikinabubuhay na ipinagbibili sa bayan
o kaya’y inilalako sa mga kamag anak, pinsan at kakilala. Bago dumilim sa gabi,
naglalagay si Lolo ng atipil o bitag in tagalog na gawa sa kawayan na may pain
na kamote na panghuli ng daga sa bundok. At tuwing umaga madalas yun ang
inuulam ni Lolo at Lola, inihaw na daga.
Anim
na put limang taon na pala si Lola noong mga panahong 1987. Ako naman ay pitong
taong gulang pa lamang at sa susunod na taon pa lamang ako noon mag aaral ng
Grade one. That was 1988. Sila ay mga magulang ng aking ama. Noong una sa
bundok kami nakipanirahan pero bago ako mag grade one lumipat na kami sa
kapatagan sa barangay Burabod at ang trabaho ng Tatay ko ay sa bukirin din,
isang laborer. Paminsan minsan ay dinadalaw namin si Lolo at Lola at madalas ay
naaabutan naming siyang gumagawa ng banig o kaya’y naglilinis ng kamote o
kaya’y kumukuha ng karagumoy. Sa pag-uwi namin ay dala dala na namin ang kamote
saging at manibalang na langka na nakapatong sa aming mga balikat at ulo na
linalakad lang namin pauwi ng Burabod mga 6 kilimetro lang naman and layo.
Minsan naman si Lola ang bumababa ng kapatagan at ang dala nya naman ay
Cariocca sa salitang Tagalog, isang kakanin na gawa sa kamoteng kahoy na
linagyan ng asukal na hinulmang lapad na pabilog mga 2 inches in diameter at
prinito. Hindi bumibili ng langis sila Lolo at Lola. Gumagawa sila ng Langis sa
pamamagitan ng niyog kaya naman madalas ding mayrong lunok na nakalagay sa bao
ng niyog. Ang lunok ay yung matamis na bagay na natitira kapag pinapakuluan ng
matagal ang gata ng niyog para maging langis.
May
inaalaganng isang apong babae si Lola sa bundok noong mga panahong iyon. Iyun
ay si Luding – ang bunsong anak sa panganay na anak ni Lola. Wala ng ina si
Luding ngunit may ama pa subalit may iba na ring pamilya. Kaya si Lola ang
nagpalaki sa kanya. Tuwing pasukan ay nasa amin si Luding para mag aral ng
Elementarya. Subalit pagkatapos ni Luding ng grade 3, pinababalik na ni nanay si
Luding sa kanyang mga kapatid sapagkat mas nakaririwasa na sa buhay ang isa sa
kanyang kapatid na si Manoy Junito. Isang taon lang ang tanda ko kay Luding. At
mula noong mawalay na siya sa amin pati sa poder ni Lola, binibisita na lang
siya ni Lola at di ko na siya nakita mula noon. Nabalitaan na lang namin na
siyay may asawa na. Huli ko siyang nakita nang ako ay umuwi ng bicol mula sa Maynila at dumaan muna sa kanila sa
Pili Camarines Sur bago bumalik ng Maynila, noong tapos na akong mag aral at
ako naman ang nakikipanirahan sa kanyang kapatid sa Maynila-kila Ate Grace.
Dala
ng katandaan may sakit na sa puso si Lolo. Madaling mapagod kahit kaunting
lakad lang. Noong naging malala na talaga si Lolo, bumaba sila ni Lola sa
kapatagan at doon na tumira sa amin. Napabayaan ang kabundukan. Wala ng nag
aasikaso. Paminsan minsan, umaakyat sa bundok ang aking ama para mag kopra
kasama ang ilang inupahang trabahador. Minsan naman, si tatay lang ang
pumupunta para kumuha ng laman ng kamote, bunga ng pinya, saging at langka .
Nang isugod sa ospital si Lolo, ilang araw lang namatay siya. Iniuwi siya sa
aming bahay sa pamamagitan ng jeep at doon na rin siya inimbalsamo sa aming
sala. Sa pitong magkakapatid, 6 ang nagkaroon ng pamilya sapagkat yung isang
babae ay namatay ng dalaga pa-lumaki ang tiyan ngunit di naman buntis at ang
usap usapan ay nakulam daw. Pinadalhan agad ng telegrama, sila Auntie Abeth at
auntie Nilda nang mamatay si Lolo noong May 26, 1994. Dumating sila kasama ang
ilang anak at sa mismong sementeryo na nila naabutan si Lolo sa araw ng kanyang
libing.
Nang
si Lolo ay mawala, muling bumalik si Lola sa bundok and this time si Pay Lemuel
– and pangalawa niyang anak naman ang kasa kasama niyang naninirahan doon. Ako
naman mula nang mag aral na ng kolehiyo sa Naga City, bihira ko na lang makita si
Lola. Minsan pumupunta ako ng bundok kasama si Tatay para dalawin siya kapag
bakasyon ako. Madalas si Lola lang ang naaabutan namin doon dahil si Pay Lemuel
ay bumaba ng bayan. Naalala ko pa noon, wala sa bahay niya sa bundok si Lola
kaya pinuntahan ko sa taniman niya ng palay. Nakita ko nga siya doon so
pinuntahan ko nang mapansin kong may mga piraso ng mga putol na kamoteng baging
ang nahulog sa lupa sa ilalim ng puno ng matataas na tanim na palay
pang-bundok. Kaya pinulot ko at ibinigay
ko sa kanya. “Lola yung kamote mo nahulog yata” , salubong ko sabay mano.”Ay
bat mo kinuha, sabi niya.Kusa kong ihinuhulog lang yan kasi mas nagkakaroon ng
laman kesa ibaon sa lupa”, sabi ni Lola habang karga karga sa kanyang bisig ang
bungkos ng kamoteng baging. “ha!,ganon ba, di ko alam eh at napangiti na lang
ako. Natuklaw na rin si Lola ng ahas. Buti na lang at naagapan at nadala ni Pay
Lemuel si lola sa bayan. Matanda na talaga si Lola noon. Sa totoo lang gusto ko
dun na lang siya sa amin tumira at wag ng
mamundok pa. Pero sabi niya eh lalo lamang siyang hihina pag walang
ginagawa. Ang kuwento naman ni Lola noon pag nagagawi kami sa kanya….laging
lasing daw si Pay Lemuel pag umuuwi, lagging nakainom. Bilib naman ako kay Pay
Lemuel dahil kahit hanggang umaga sa inuman, di tinatablan ng alak. Kayang kaya
nya pa rin ang kanyang sarili. Dala ng pagiging lasenggero at usap usapan ay
nilason daw at dahil daw sa pulitika dahil balak yatang patakbuhin o tumakbong
kapitan ng Agosais Lagonoy kaya’t namatay si Pay Lemuel. That was year 2003 o 2004 iyon. Di ako sigurado.
Basta yun ang mga panahong walang wala akong trabaho. Ako ang naiwan sa maynila
at nagbantay sa bahay ni Auntie Abeth nang umuwi sila ng Bicol, nang mamatay si
Pay Lemuel.At mula nang mamatay si Pay lemuel, hindi na namin pinayagan pa si
Lola na manirahan sa bundok. Lahat ng mga kagamitan sa bundok hindi ko na alam
kung saan napunta. Ang balita ko ninakaw noong walang tao na doon. Paminsan
minsan pumupunta si Lola sa Maynila tuwing mag de December. Pagkatapos umuuwi
din pero nong mahina na talaga si Lola ay doon na lang siya sa bahay at minsan
naman ay pumupunta sa panganay niyang anak - si Pay Rogelio sa Pinamihagan lLagonoy
Camarines Sur.
Mula
ng maging honor students ako noong grade one hanggang nag graduate ng
Elementarya at pati sa High School, si Lola
ang laging umaakyat ng stage para sa akin. Ayaw kasi ni nanay. Nang nasa amin si Lola, madalas gumagawa siya
ng banig na inilalako niya sa mga kamag anakan. Doon lang siya nagkakapera at
yung iba ay galling sa kanyang mga apo na inaabot sa kanya kapag galling sa
Maynila. Lagi ring nasa simbahan si Lola tuwing Linggo sa Burabod Evangelical
Church-isang simbahan ng Protestante. At naalala ko pa kapag sa bundok kami ni
tatay nagpapalipas ng gabi, bago matulog, nagbabasa lagi si Lola ng Biliya. Noong
nasa bundok si Lola, may panalangin siya bago kumain na memorize nya na. Laging
yun ang pinapanalangin niya bago kumain. Gusto ko nga sanang kopyahin iyon kaso
nawawala sa isip ko kapag kasama ko siya noon. Pero kahit papaano natanong ko
naman siya tugkol sa kanyang pinagmulan, kung ilan silang magkakapatid at kung
buhay pa. Siya na lang pala ang buhay, sabi niya at ang kabuuang pangalan niya
sa pagkadalaga ay Julieta Pastor Panuncio.Ni isa man sa kanyang mga kamag anak
o pamangkin ay wala akong kilala. At isa pa, hindi pala iyon ang tunay niyang
birth name dahil pinapalitan daw iyon ng kanyang ama noon dahil pangit daw. Si
Lolo naman Pablito Pesimo Bedes ang kabuuang pangalan. Kahit papaano, may mga
kakilala akong mga kamag anak sa parte ni Lolo, mga anak at apo ng kapatid ni
Lolo.
Patuloy
na umusad ang panahon. Patanda ng patanda at pahina ng pahina si Lola.Minsan,
madalang na minsan lang ako makatawag sa Bicol, nang tumawag ako, wala daw si
Lola doon sa amin dahil na kay Pay Rogelio. Nong mga nakaraang taon nalaman
kong nagkasakit si Lola, nagtatai at pinatawag na ni Nanay sila Auntie Nilda at
Auntie Abeth dahil baka di na maka survive si Lola. Salamat naman at nakaraos
pa. Muling bumalik sila aunti Nilda at Auntie Abeth sa Maynila. Lumipas pa ang
isang taon siguro, nalaman kong nandun daw sila Auntie Abeth at ilang araw lang
ay binalita na sa akin ni Nanay na si Lolay nasa Maynila na. Dinala na ng
kanyang mga anak. Ilang buwan pa ang tumagal, bago ko nabisita si Lola sa Camarin
Caloocan sa bahay ni Auntie Nilda. That was November 21 o 22, 2014 iyon, di ako
sigurado. Bumili ako noon ng bearbrand na yung malaki na pang matanda at
inabutan pa si Lola ng 500. Payat si Lola nang inaabutan ko at nakahiga sa
papag. Ang kanyang mga kamay ay kulubot na kulubot na at kita ang mga ugat,
mababanaag mo maraming hirap na sinakripisyo sa pagtatrabaho sa bundok. Hapis
na ang mukha at poro aray ko ang maririnig sa tuwing inaalalayan ni Auntie
Nilda sa pagtayo. Sabi nga ni Auntie
Nilda mabuti na nga raw at wala na ang sugat sa paa niya dahil bago nila kinuha
si Lola sa bicol ay may mga sugat daw iyon sa paa. Sabi ko noon babalik ako
pero di ko alam kung kalian basta’t babalik ako. Pero yun na pala ang huling araw na masisilayan ko siyang buhay.
Ilang
Linggo bago mamatay si Lola, ay isinugod siya sa ospital. Humingi si Autie
Nilda ng tulong sa amin para sa pagpapagamot ni Lola pero wala kaming maibigay.
Walang wala rin kasi kami. Umaasa rin si Nanay sa mga padala ko. Nang nasa
ospital pa si Lola lumuwas ng Maynila si tatay nang Linggo at nakisabay lang sa
kapatid niyang si Pay Rogelio na may sasakyan. Yung and balita sa akin ni
nanay. Pagdating ng Martes, hindi ako pumunta sa ospital dahil sabi ko’y wala
man lang akong maiaabot. Sa petsa 5 pa
ng Mayo ang sahod ko. Kaya sabi ko petsa 5 na lang ako pupunta. Pero petsa
uno(1) pa lang ng Mayo binawian na ng buhay si Lola sa edad na 92 taong gulang.
Hindi na umabot ang sahod ko. Ang sahod ko’y nagging abuloy at padala kay tatay
pamasahe pauwi ng Bicol. Pati ambag sa kabaong ni Lola na inutang pa sa
puninarya. Isanglibo nga lang na dapat ay limang libo ang naibigay ko noong
araw ng libing petsa 7 ng Mayo. Wala ring maibigay si Ariel dahil walang
trabaho. Kaya sabi ko petsa 20 na lang ng Mayo. Sa Novaliches Public Cemetery
Quezon City linibing si Lola at ang dahilan ng kanyang kamatayan ayon sa
kanyang death certificate ay Congestive heart failure and Coronary artery
Disease. Noon ko din lang nalaman ang kanyang birthday ay August 21, 1922.
Ang
sabi ni Kuya Charlie ay magkakaroon daw ng reunion sa birthday ni Lola. Sabi
naman ni Auntie Nilda….”kung kailan patay na si Lola”.




No comments:
Post a Comment