Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Wednesday, May 14, 2008

An Open Letter to the Present and to the Future President of the Philippines

Daniel Dingel is a Filipino inventor invented the water powered vehicle completely in 1986 but why he has not given support by the Philippine Government?Here is his answer.

"So I started with that and then I..What I did is I went to see the President former president Marcos and then explained my inventions that could help our country.The president will come the idea but the problem is there was a Coup de 'etat so it became failed so there was another president Cory Aquino and as a matter of fact she ride the car with me and he was with me in the car testing the car and he said that "This is the miracle I had been waiting for".But sad to say that after two weeks I was able to know that the Government is not in the position to help because as under the aggreement between the IMF and the World Bank; Our country is under obligations by the IMF and the World Bank not to produce anything that will compete their product and then so the 40% of all tax, there will be no more revenue for the government. But I told him that Sir It will prolong the life of the people. There will be no more pollution.So I keep working on it and then improving my inventions.Maybe thinking that one day, someday maybe this inventions will be used and it will help humanity."


Para sa minamahal naming Pangulo at sa mga susunod pang pinuno ng bansa.Ang Pilipinas ay tinaguriang “isang pulubing nakaupo sa ginto” sa kadahilanang sagana nga tayo sa mga likas na kayamanan ngunit di naman natin alam o kaya’y kulang tayo sa mga kagamitan para lubos na mapakinabangan.Nakasalalay sa aming mga kabataaan ang mga gawa subalit nasa inyong mga kamay ang pagpapatupad.Ang isang pulutong ng mga mangangabayo ay hindi magtatagumpay sa pakikipaglaban kung walang mamumuno sapagkat magkakaroon ng ibat ibang paraan at layunin. Kasabihang ang isang kahariang nagkakabaha-bahagi ay bumabagsak.

Kung kayo po ay manghahalal ng mga manunungkulan sa ibat ibang sektor ng lipunan ay nararapat po nninyo itong bantayan.Walang asa-asawa, walang anak, walang kamag-a mag-anak, walang kaibigan at walang kapatid.Samakatuwid walang dapat na panigan.Ang mga kamaliang magagawa ng inyong mga tagapangasiwa sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay dagta sa inyong pangalan at isang nakahahawang sakit ang maaaring epekto niyon na unti unti na palang pumapatay sa mga maliliit na mamamayan ng inyong nasasakupan.Hindi mo lang iyon mapapansin subalit iyong mararamdaman paglipas ng panahon.Kaming mga mamamayan ay hindi tumitingin sa inyong mga nagawa kundi sa pangkalahatang resulta ng inyong mga nagawa. Pangunahan mo ang mga mamamayan sa mga proyektong tatamasahin nila ng pangmatagalan at di pang maikling panahon lamang. Sabi nga wag mo silang bigyan ng isda kundi turuan mo po silang mamalakaya ng isda.

Taon taon ay libo libong mga propesyunal ang nagsisipagtapos-doktor, inhenyero, mekaniko, mga nakapag aral sa IT at kung anu-ano pa subalit iilan lamang sa kanila ang mga pinalad sa mundo ng kanilang propesyun.Kung sila po ay inyong gawing kasangkapang makagawa ng mga kagamitang lilinang sa ating mga likas na yaman hindi na sana natin kailangan pang magbitaw ng dolyar, malinang laman ang sariling atin.H’wag po nating iasa sa ibang bansa ang kaunlaran natin sa agham at teknolohiya.Ito’y nararapat magsimula sa sarili nating bayan sapagkat tayong lahat at kahit alinmang bansa wala kang mababalitaan na sila’y nagsimula ng mayroon na, kundi sa wala. Gawin po nating halimbawa ang bansang Japan.Salat sila sa likas na yaman subalit maunlad na bansa dahil sa agham at teknolohiya .Matalino ang mga Pilipino subalit wala pang Pangulo ang nagpahalaga sa katalinuhan ng kasalukuyang henerasyon.Batas ang humahadlang sa mga imbentor ng bayan kayat igawad din sana ang batas na sa kanila’y magbibigay daan.Sana naman may isang sumulpot na Pangulo ng Pilipinas na magpapahalaga sa mga imbentor ng bayan. Isang Pangulong makasiyensya, may pagpapahalaga sa larangan ng agham, teknolohiya at edukasyon.

Nakapanlulumo pong isipin na may isang Pilipinong ibinuhos nya ng kanyang buhay at panahon sa pag iimbento ng isang napakahalagang teknolohiya subalit dahil lamang sa ating utang sa IMF at Worldbank ay nawalang saysay ang lahat. Anong silbi ng talinong ibinigay sayo ng Diyos kung mismong  dahil sa kasakiman, inggit at mkasariling pananaw ng mauunland na bayan ay winalang kabuluhan ito. Wala na bang halaga sa kanila ang pagbabagong bihis ng agham at teknolohiya dahil lamang sa malulugi sila pag niyakap ang imbensiyong ito?

Maikli lang ang ating buhay sa mundong ibabaw. Ang bawat isa sa atin ay papanaw. Kung binigyan man tayo ng talino at kakayahang makagawa ng isang bagay, sanay marunong tayong mamahagi ng kaalaman kung ito naman ay para sa ikabubuti ng mamamayan ng kasalukuyan at ng sa susunod pang henerasyon.

Pulitika ang dahilan sa paghihirap ng bansang Pilipinas. Hawak tayo sa leeg ng mga dayuhang namumuhunan sa sarili nating bayan at ng mga bansang mauunlad na ating pinagkakautangan na kinurakot lang naman ng mga nakaraang administrasyon. Kung isasantabi lamang ng bawat nanalo at natalong kandidato ang pulitika at harapin ng bawat isa ang kanilang papel na dapat gampanan sa lipunan, tulungan sa halip na siraan ang pinuno ng bayan mahalin kahit na ang pinaka mabigat na kaaway, magtulungan para sa iisang layunin - ang paunlarin ang mamamayan at ang bansa siguro nama’y tatakbo ng maayos at tahimik ang lahat sapagkat ang pinuno ay makapag iisip ng maayos ng walang pangamba’t alinlangan                                                                

Opurtunidad at Negosyo


Gumagalang,
cybermind

No comments: