Kung sumasahod ka ng sabihin nating mga 10 libo isang buwan at gumagastos ka ng 150/day for food,1200 para sa upa sa bahay, at 500 ang nagagastos mo para sa personal na gamit ay gumagastos ka ng 6200 sa isang buwan o sabihin na nating 7000 ang gastos mo kasama na ang di mo inaasahang gastusin;ay may maiipon kang 3000 sa isang buwan,36000 sa isang taon.Yon ay kung tuloy tuloy ang iyong trabaho.Pano kung nawalan ka?
Sabihin na nating at age of 18 ay nagsimula ka ng magtrabaho.Pagkalipas ng 10 taon, 28 years old ka na at nakaipon ka na ng 360000.Lumipas pa ang 30 taon at nakaipon ka ng 1.44 milyon sa edad na 58 taong gulang.Ngayon, ito ang tanong?Buong buhay mo'y inialay mo sa pagiging isang empleyado, mai-enjoy mo pa ba ang 1.44 milyon gayong uugod ugod ka na't kung tutuusin ay napakaliit na halaga? Makakapag outing ka pa ba,mmakakapag excursion ka pa ba sa mga magagandang resort at makaaakyat ka pa ba sa bundok kasama ang iyong mga barkada at kaibigan na di iindahin ang mabilis na pagkapagod dala ng katandaan?Anong halaga ng buhay kung di mo man lang ma enjoy sa iyong kabataan?Matatamo mo lamang ang mga iyon kung malaki ang pumapasok kesa lumalabas.Ito'y sa pamamagitan lamang ng isang negosyo.
"Anak...,mag-aral kang mabuti para kapag lumaki ka makakakuha ka ng magandang trabaho."
Kadalasan yan ang ating naririnig sa ating mga magulang.Kaya naman karamihan sa mga pilipino ay ipinanganak at tumanda bilang isang empleyado.Mula pagkabata yan na ang itinatanim sa ating mga kukuti ng ating mga mga magulang.Sabagay sino nga ba naman ang magasasabi ng "Anak magsikap kang mabuti para makapag ipon ka ng puhunan sa isang negosyo", gayong isang kahit isang tuka lang naman ang iyong pinagmulan?
"Opurtunidad o pagkakataon".Yan ang tanging pinanghahawakan ko sa kasalukuyan kaya't patuloy akong nabubuhay at nakikipagsapalaran.Kaalaman ang inihatid sa akin ng diploma na lehis sa diplomang gusto kong maabot dahil sa kahirapan; at hindi kaluwagan ng pamumuhay.Dahil sa diplomang yaon kung kayat kinailangan kong mabuhay sa paghihigpit ng sinturon dahil maganda sa pandinig ng iba.Subalit hanggang kailan kung pakiwari ko'y sinisingil na ako ng aking mga magulang at syang maaasahan lamang ng aking mga kapatid.Kinailangan ko na bang isantabi ang diplomang ito upang kahit papaanoy'y tulad noon ay may naiaabot sa aking mga magulang?Umuusad ang panahon at tiyak na mapag iiwanan ako ng IT age kung ibang landas ang aking tatahakin na tiyak na walis at tambo ang aking kahahantungan sapagkat dahilan sa limitasyon ng edad.
"Oppurtunity knocks only once".But how long will I wait for that oppourtunity?When it be? How? Who?
By Cybermind
Philippine Politics Useless!!!
"A success person has a good and permanent job, eat on time, with a happy and God fearing family, no enemies and with time for leisure. A standard of success depends to the person. Every people are not contented on what they have. In every dream they attain, a new goal is reborn." I’m Alvin Bedes and welcome to my blog where I post my comments, my views, my stories. If you have any question and comments, please don't hesitate to email me at knowledgehunter2@yahoo.com
Adds
Unlock the security Code of Your Nokia Phone
Translate
Thursday, April 10, 2008
Saturday, April 5, 2008
Bigas!
Halos ilang buwan din akong di nakapunta ng palenke dahil simula ng maubos ang dalawang kabang bigas galing sa probinsya, madalas ay kapatid ko ang aking pinabibili ng bigas pati na mga grocery items.Kaya naman nalula talaga ako sa presyo ng bigas nang magawi ako roon.Hindi ko talaga inaasahan.Mabilis na lumarawan sa aking isipan kung papaano nangyari.Nang makapanood ako ng balita sa T.V., dun ko lang nalaman na mga chinese businessman ang kumokuntrata sa ating mga magsasaka upang pagkatapos ay iimbakin lang naman at itatago upang kapag nagkaroon na ng krisis sa supply ng bigas ay saka lamang ilalabas sa mas mataas na halaga.Itinatag ang NFA upang limitahan ang mabilis na pagtaas ng bigas at upang sa panahon ng tagtuyot ay may madudukot ang ating bansa.Ngunit kamakailan lamang ay natagpuan sa isang warehouse na pag-aari ng isang chinese ang ilang daang sako ng NFA rice.Maliwanag pa sa sikat ng araw na kaya nagkukulang ang bansa sa bigas ay dahil ang NFA rice na galing sa gobyerno ay ipinupuslit ng mga nangangalaga upang ibenta sa mga dayuhang mamumuhunan.SA KAHULIHULIHAN, ang dapat sisihin una ay ang mga magsasakang pumapayag na kontratahin ng mga dayuhang mamumuhunan, mga negosyanteng gahaman at mga nakaupo sa puwesto o ang mga nagtatrabaho mismo sa NFA.
Bigas ang isa lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy.Kung ang presyo nitoy lalo pang tumaas, lalong marami ang magugutom at marami ang kakapit sa patalim para lamang may maihulog sa kanilang mga kumakalam na sikmura.Nakakabuwisit talaga ang presyo ng bigas sa tuwing maalala ko.Sa kabilang banda ng aking utak, ang gobyernong Arroyo ang sinisisi ko sapagkat poro pangungurakot-mga nawawalang pondo na di maipaliwagag ang nakabalandra sa kanyang imahe simula ng malukluk sya sa kanyang pwesto sa halip na gumawa sya ng hakbang upang suportahan ang mga magsasaka, dinggin ang kanilang mga karaingan at upang magkaroon ng isang masaganang ani ang bansa. Mayaman ang Pilipinas sa lupaing agrikultura subalit hindi rin naman napapakinabangangan sapagkat ang pamahalaan mismo ay wala rin namang pakialam!!!!
Mayaman din ang bansa sa mga matatalinong tao-mga imbentor halimbawa subalit sa kawalang suporta ng pamahalaan, mas nauna pang iba ang nakikinabang at kumilala kaysa sa sariling bayan.

Subscribe to:
Comments (Atom)