Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Saturday, April 5, 2008

Bigas!

Halos ilang buwan din akong di nakapunta ng palenke dahil simula ng maubos ang dalawang kabang bigas galing sa probinsya, madalas ay kapatid ko ang aking pinabibili ng bigas pati na mga grocery items.Kaya naman nalula talaga ako sa presyo ng bigas nang magawi ako roon.Hindi ko talaga inaasahan.Mabilis na lumarawan sa aking isipan kung papaano nangyari.Nang makapanood ako ng balita sa T.V., dun ko lang nalaman na mga chinese businessman ang kumokuntrata sa ating mga magsasaka upang pagkatapos ay iimbakin lang naman at itatago upang kapag nagkaroon na ng krisis sa supply ng bigas ay saka lamang ilalabas sa mas mataas na halaga.Itinatag ang NFA upang limitahan ang mabilis na pagtaas ng bigas at upang sa panahon ng  tagtuyot ay may madudukot ang ating bansa.Ngunit kamakailan lamang ay natagpuan sa isang warehouse na pag-aari ng isang chinese ang ilang daang sako ng NFA rice.Maliwanag pa sa sikat ng araw na kaya nagkukulang ang bansa sa bigas ay dahil ang NFA rice na galing sa gobyerno ay ipinupuslit ng mga nangangalaga upang ibenta sa mga dayuhang mamumuhunan.SA KAHULIHULIHAN, ang dapat sisihin una ay ang mga magsasakang pumapayag na kontratahin ng mga dayuhang mamumuhunan, mga negosyanteng gahaman at mga nakaupo sa puwesto o ang mga nagtatrabaho mismo sa NFA.
Bigas ang isa lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy.Kung ang presyo nitoy lalo pang tumaas, lalong marami ang magugutom at marami ang kakapit sa patalim para lamang may maihulog sa kanilang mga kumakalam na sikmura.Nakakabuwisit talaga ang presyo ng bigas sa tuwing maalala ko.Sa kabilang banda ng aking utak, ang gobyernong Arroyo ang sinisisi ko sapagkat poro pangungurakot-mga nawawalang pondo na di maipaliwagag ang nakabalandra sa kanyang imahe simula ng malukluk sya sa kanyang pwesto sa halip na gumawa sya ng hakbang upang suportahan ang mga magsasaka, dinggin ang kanilang mga karaingan at upang magkaroon ng isang masaganang ani ang bansa. Mayaman ang Pilipinas sa lupaing agrikultura subalit hindi rin naman napapakinabangangan sapagkat ang pamahalaan mismo ay wala rin namang pakialam!!!!
Mayaman din ang bansa sa mga matatalinong tao-mga imbentor halimbawa subalit sa kawalang suporta ng pamahalaan, mas nauna pang iba ang nakikinabang at kumilala kaysa sa sariling bayan.

No comments: