Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Monday, December 7, 2009

My life's Countdown

Bata pa ako'y nakaplano na ang lahat sa aking isipan ang aking pag-aaral. Sa kabila ng kahirapan, umaasang balang araw ay makapagtatapos ng bachelor degree sa Maynila bilang isang working student.Noon, marami pa akong nababalitaan na mga taong nakapagtapos ng pag aaral sa kabila ng kahirapan at nagiging matagumpay. Dahil dito’y nagsikap akong mag aral, hindi man ako ang pinaka magaling sa klase palagi naman akong nasa top 5ng aming klase mula Elementarya at hanggang high school. Sinikap kong magsipag pa ng mabuti baka sakaling ako ang manguna ngunit hanggang pangalawa lang ako at nang magga gradweyt na ako ng high school nagging top six na lang ang inabot ko.Masakit sa akin pero hanggang doon na lang talaga ang kaya ko.Sa katotohanan, kaya ko ngunit dahil ang favoritism sa klase ay di mawawala lalo’t kung isa sa guro ng subject mo’y kabilang sa 3rd sex samahan pa ng isang pangit na mukhang tulad ko ay kaiinisan ka lang. Ang inisip ko na lang noon, kapirasong papel lang iyon, ang talinoy nasa aking utak at di mananakaw ninuman.Mahaba pa ang aking lalakbayin at marami pa ang darating.

Dumating ang graduation ko sa high school sa edad na 18 taong gulang subalit hindi ako Masaya.Hindi kasi napasaakin ang karangalang pinapangarap ko noon pa man. Life must go on ika nga.Pagkatapos ng graduation nagtrabaho ako as supermarket boy sa Naga City at age of 19, stay in at dahil first time job ko kahit 1000/month ang sahod ay tiniis ko ang isang taong pagtatrabaho.Katwiran ko, nagsisimula pa lang ako and I need experience. At age of 20, isang buwan before na umalis ako which is month of enrollment noon, nag exam ako sa TESDA for PESFA scholarship. Sa kabila ng pagtutol ng aking ina dahil di daw niya kaya ay ipinilit ko pa rin na makakaraos ako pagkat may may 2500 naman para sa aming book allowance/sem.Tinipid ko ang aking sarili noon makatapos lamang pumasok pang katulong ang aking ina at tumigil sa pag-aaral ng isang taon ang isa ko pang kapatid dahil sa akin.Ang plano ko noon, makapagtapos lang ako ng 2 years course na ito ay may pakpak na ako sa pakikipagsapalaran sa Maynila.Di ako mahihirapang maghanap ng trabaho kumpara sa high school graduate lang.Mag se-self supporting ako, makapagtapos lang ng apat na taong kurso sa kolehiyo sa Maynila. Subalit mahirap palang matupad ang pangarap na iyon.Sa edad na 22 taong gulang, I was graduated for a 2 year vocational course as a Computer Technician.Pagkalipas ng tatlong buwan ay isinama ako sa Maynila sa tulong ng aking pinsang buo na napasyal sa aming probinsiya.Sa Maynila nagtrabaho ako sa palengke as taga benta at boy sa isang negosyante na bumibili sa supplier ng sako sako ng ibat ibang klaseng produkto na ibinebenta rin sa mga taong nagbebenta ng tingi tingi dun din sa palengke.Kalahating buwan lang ako roon.Hindi ko nakaya.Ubos na kasi ang baon kong pera at kailangan ko ng pang requirements sa paghanap ng trabaho kaya kahit mabigat na trabaho pinasok ko.Ang masakit pa, hindi pa ako sinahuran ng aking amo dahil di nga ako pinapayagan na umuwi.Buti na lang may pera ako galing sa mga tip ng customer na ginamit kong pamasahe pauwi sa kapatid ng tatay ko.Bumagsak ang katawan ko sa trabahong iyon.Bumuhat ka ba naman ng sako sakong bigas,asukal,arena at mga sangkap sa pagluluto-lahat na lang ng makikita sa palengke, makikita mo doon. Trinatrangkaso ako kung kayat naisipan kong umuwi na lang para makapagpahinga ngunit di ako pinayagan ng amo kong lalake. Dahil labag sa kalooban nila ang aking pag alis dahil wala pa daw akong kapalit kaya di nila ako sinahuran. Yon ang kauna unahang trabahong pinasukan ko ditto sa Maynila-from June 21, 2002 to July 3, 2002(13 days). Bumalik ako sa aking tiyahin at dahil mga wala ding trabaho ang mga anak niya kayatnang araw ding iyon ay bmisita ako sa pamangkin ni tatay at inalok ako ng pamangkin ni tatay na babae na doon muna ako tumuloy dahil baka maipasok daw ako ng kanyang asawa sa kanyang pinapasukan.Tinulungan nga nila ako hanggang sa makumpleto ko ang requirements ngunit habang tumatagal di pa rin ako makahanap ng trabaho. Nag applay na ako sa pinapasukan ng kanyang asawa at tatawagan na lang daw.Hindi nga kami ininterbyu, basta kinuha lang yong requirements.Nag antay kami ng tawag….nag antay ako sa wala. Nag apply ako ulit sa buiscuit company-nag submit lang ako ng mga requirements na ipinaabot ko sa kakilala ng pamangkin ni tatay na doon ngatatrabaho sa biscuit na iyon dahil may kakilala siyang backer doon. Pero wala ding nangyari.Nagastusan lang ang tinitirhan ko ng pang medical ko hanggang sa mag decision akong ipa pull-out na ang aking mga requirements. Hanggang unti unti ng nanlamig sila sa akin. Dahil wala akong silbi, wala akong naitulong at pakainin lang.

Pinagkagastusan lang nila ako para sa aking mga requirements ngunit wala ring nangyari.Dahil akoy naging palamunin lamang kaya’t napilitan akong umalis sa kanila noong October 12, 2002(almost 3 months ako sa kanila) na gustong gusto na rin naman nila akong paalisin. Halos di na nga kami nagkikibuan ng araw na iyon.Doon ko naranasan ang kainisan ka ng iyong kasmbahay bilang sampid sa isang tahanan.Mahirap makibagay at makisama sa isang kamag anak. Muli akong bumalik sa aking Tiyahin na kapatid ng tatay ko at doon ako naging tambay ng 7 buwan sa kanila.Isang araw, May 15, 2003 may dumating na bisita at ako pala ang sadya sa utos na rin ng aking magulang na kukunin nya raw ako upang bigyan ng trabaho sa isang panaderya at stay in.Yon pala may 500 siya sa bawat tauhang mairerekomenda niya sa panaderya.Kinahapunan nang araw ding iyon ihinatid niya ako sa panaderya. Nang minsang mangutang ako para ipadala sa aking magulang hindi nila ako binigyan.If I don't want, I can leave.Kalahating buwan lamang ako roon at sa aking pag alis bayaran ko pa daw ang mga nasunog kong tinapay.Ako kasi ang tagaluto ng tinapay sa madaling araw at ilang araw bago ako umalis ay nakasunog ako ng 6 na tray ng tinapay. Pero hindi ko naman na binayaran nang umalis ako noong May 20, 2003..Saan naman ako kukuha ng pambayad?Tumuloy ako sa taong kumuha sa akin at isang araw nagkuwento ang isang kapitbahay niya sa akin na hiring daw sa burger machine na trinatrabahuhan niya.So sinamahan niya ako para mag apply at nang makapasa ako sa wakas nagkaroon ako ng maaayos ayos na trabaho for the first time in my life sa Maynila noong june 9, 2003. Subalit di rin ako tumagal sa trabahong iyon dahil sa kapabayaan – nahuli ako sa outlet assignment ko na brown ang sapatos , and no caps dagdag pa yong nahuli ako nang mga nakaraang araw ng nag robing na bagong assistant supervisor na natutulog kayat napilitan akong gumawa ng resignation paper noong October 24, 2003 sa utos na rin ng Assistant Manager na ang balak sana’y i-assign ako sa ibang outlet yong di mag krus ang landas namin ng Manager dahil ayaw na talaga akong papasukin ng Manager.

Walong buwan ko uling ginugol ang pagiging tambay sa piling ng aking tiyahin. Sa ikawalong buwan nang nawalan ng boy yong nagde deliber ng tubig doon sa barangay namin ay ako ang inerekomenda ng aking Tiyahin na magpatubig sa mga bahay bahay noong June 9, 2004. Simula noon ay unti unti uli akong nakaipon ng pera hanggang s umalis ako noong April 13, 2005 dahil sa natanggap ako as a janitor sa Isetann Department Stores and Supermarket sa Recto. Naging janitor ako sa Isetann as a recontractual employee for morethan 17 months (end of 5 monthsContract September 26, 2006). Hindi na ako nag recontract dahil gusto ko naman na maghanap ng ibang mapapasukan. Ayokong maging janitor habang buhay. Nakaipon ako ng mahigit 30 thousand pesos na nasa isang passbook account sa Banco de Oro sa SM Manila. Ang lahat ng iyon ay unti unti ring naubos sa kawalan ko ng trabaho at bago pa maubos ay ibinili ko ng laptop. December 1, 2006 nang magsimula akong maging Merchandiser sa Del Monte only for one month, Just for a Seasonal Merchandiser. Bago pa man ako makatanggap ng aking salary as a Merchandiser ay na drain na ang aking account kaya ipina close ko na ng tuluyan. After ng aking December contract ay nalipat ako as Merchandiser Reliever (On Leave Releiver pag wlang naka leave, wala akong trabaho) hanggang sa huli akong nagtrabaho noong March 6, 2007. Around may 2007 nang magsimula akong makapagtrabaho as Computer Technician (recommended by one of my boardmate) hanggang sa kasalukuyan.

Parang kailan lang. Ang bilis ng panahon.Mahigit pitong taon na ang nakalilipas mula ng ako makapaggradweyt ng 2 years vocational course sa kolehiyo.Ngayo'y 29 years old na ako ngunit mailap pa rin ang magandang kapalaran. Kahit papaanoy nagsikap ako subalit hanggang doon nalang ata ang lahat.By next year I'm already thirty. Kung maaari ko nga lang pigilin ang aking pagtanda. Matagal ko nang ginawa.When I'm alone and thinking, I'm always hunt by my age.And I have nothing to do but to dream and to plan my future.The truth I'm already tired.But I cannot cannot give up.Because as long as the Lord gives me breath as I woke up everyday in the morning, Im always full of hope...to do my duties...to face the challenges that are waiting ahead...

Saturday, July 11, 2009

MYSTERIES and Conspiracy

Where is now the Garden of EDEN?
A river watering the garden flowed from Eden; from there it was separated into four headwaters. 11 The name of the first is the Pishon; it winds through the entire land of Havilah, where there is gold. 12 (The gold of that land is good; aromatic resin [d] and onyx are also there.) 13 The name of the second river is the Gihon; it winds through the entire land of Cush. [e] 14 The name of the third river is the Tigris; it runs along the east side of Ashur. And the fourth river is the Euphrates.Genesis 2:10-14
So the LORD God banished him from the Garden of Eden to work the ground from which he had been taken. 24 After he drove them out, he placed on the east side [e] of the Garden of Eden cherubim and a flaming sword flashing back and forth to guard the way to the tree of life.Genesis 3:23-24

What is Area 51?
The intense secrecy surrounding the base, the very existence of which the U.S. government barely acknowledges, has led it to become the frequent subject of conspiracy theories and a central component to unidentified flying object (UFO) folklore

Moon Landing:Did they Land on the Moon?
Apollo Moon Landing hoax conspiracy theories are claims that some or all elements of the Apollo Moon landings were faked by NASA and possibly members of other involved organizations. Some groups and individuals have advanced various theories which tend, to varying degrees, to include suggestions that the Apollo astronauts did not land on the Moon, that NASA and possibly others intentionally deceived the public into believing the landings did occur by manufacturing, destroying, or tampering with evidence, including photos, telemetry tapes, transmissions, and rock samples, and that the deception continues to this day.
There is abundant independent evidence for Apollo Moon landings and these conspiracy theories have been generally discredited. Many commentators have published detailed rebuttals to the hoax claims.[1] A 1999 poll by The Gallup Organization found that 89% of the US public believed the landings were genuine, while 6% did not, and 5% were undecided. from http://en.wikipedia.org/wiki/Apollo_moon_landing_conspiracy_theory

The Bermuda Triangle(Devils Sea) Mystery
Bermuda Triangle is the greatest modern mystery of our supposedly well understood world:a region of the Atlantic Ocean between Bermuda, Miami, Florida, and San Juan, Puerto Rico, where disappearances of ships and planes are still defying leaving without a trace until now.

The Bibbles Online

At last I already found an online Bibble to be read.It is from Internetional Bibble Society.Here is their home page...
http://www.ibsstl.org/ From July 13, 2009 their website will be updated and will become http://www.biblica.com

This site is the first site about holy scriptures to be a resourceful.They translate the Bibble to morethan 600 languages and still growing.They even have King James Version.

Sunday, June 14, 2009

May Pag asa Pa Ba?

Sa tuwing maaalala ko ang aking gulang, ang aking kalagayan, ang mga magulang ko't kapatid at katayuan namin sa lipunan; lagi kong itinatanong sa aking sarili kong may pag-asa pa bang matuntun ko ang daang nais kong tahakin sa buhay? Dalawamput siyam na taon na ako ngayon.Kung susumahin,dapat ay nasa stable na ang aking buhay.Lipas na sa tinatawag na "working age" at malapit na ring mawala sa kalendaryo.Ang aking kapatid na bunsong babae'y ilang taon nang naghihintay sa aking tulong na mapagaral ko sa kolehiyo subalit hanggang ngayo'y wala akong magawa.Samahan ko pa ng pansarili kong pangarap ay halos mabaliw na ako sa kaiisip kung malalampasan ko pa ba ang mga ganitong isipin.Sa araw araw na ginawa ng Diyos kapag nakakasumpong ako ng isang katulong sa bahay, isang matandang pulubi sa kanto,o mga kalumpon ng mga estudyanteng rumaragasa papasok ng paaralan ay naalala ko lamang ang aking sariling kalagayan. Sa ngayong walang tiyak na patutunguhan ang aking buhay, lagi kong itinatanong, saan ako pupulutin pagdating ng araw?Ano ang aking magiging kalagayan kung wala pa ring pagbabagong nagaganap sa aking pang araw araw na buhay?Kumikilos naman ako, nagsisikap na mabuti pero walang nangyayari.Parang balewala lang ang lahat. Naging mabuti akong anak sinunod ko ang payo ng aking mga magulang at naging mabuti rin ako sa aking kapwa. Hindi ako nagdulot ng kanilang ikasasakit ng loob at naging mapagkumbaba. O'ot nagkaroon ako ng kaaway ngunit di ako ang naunang manakit ng kanilang kalooban. Buong buhay koy nagi akong mabuting tagasunod at naging mabuting tagapaglingkod sa mga nakatataas sa akin.Ginawa ko na ang lahat, di ako naging pabigat sa aking mga magulang at di rin naging pabigat sa lipunang aking ginagalawan ngunit magpahanggang ngayon parang kulang pa ring ang lahat ng aking pagpapakabuti.Kung minsan naitatanong ko tuloy sa aking sarili, saan pa ba ako nagkakamali?

Sa kasalukuyan nandito pa rin ako.Kung anong trabaho ko nung isang taon, ganon pa rin ngayon.Walang pagbabago.Paulit ulit lang ang nangyayari.Nakakasawa na rin kahit papaano ngunit wala naman akong magawa.Hirap na talaga ng buhay sa totoo lang.Mas lalo pang pinahirap ng kasalukuyang administrasyon.Hindi ko na nga sana dapat pang isali ang bansa sa kung anong kalagayan namin ngayon pagkat nakasalalay sa aming mga kamay ang guhit ng aming kapalaran.Ngunit di ko maiaalis sa aking sarili ang halaga ng aming mga binibiling gastusin at bayarin sa aming mga pang araw araw na pangangailangan.Mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod,maraming nangangailangan ng trabaho ngunit kaunti ang employer, malaking halaga ang inaangkat na produkto ng Pilipinas kesa sa pumapasok na dolyar, mga pinunong nagbabangayan at batuhan ng putik sa halip na pagtutulungan sa pagresolba sa mga problema ng bansa. Samahan pa ng corruption ng mga nakaupo sa puwesto na dapat sana'y sa maliliit na mamamayan napupunta ay halos malugmot na sa putikan ang mga mahihirap na mamamayan.

Sa katotohanan ang isang bansang may magulong pulitika'y di kailanman uunlad.Ang isang mahirap na tulad ko'y lalo lamang malulugmot pa at ang mga mayayamang negosyante't mga dayuhang namumuhunan ay lalo lamang yayaman. Sisipsipin nila ang dugot pawis ng mga maralitang mamamayan at iiwan sa tabi na parang isang basahan.Sa katotohanan noon man at magpahanggang ngayon, ang mamamayan ng Pilipinas ay alipin sa kanyang sariling bayan.