WorkAbroad.ph - Overseas Job Openings
Shared via AddThis
"A success person has a good and permanent job, eat on time, with a happy and God fearing family, no enemies and with time for leisure. A standard of success depends to the person. Every people are not contented on what they have. In every dream they attain, a new goal is reborn." I’m Alvin Bedes and welcome to my blog where I post my comments, my views, my stories. If you have any question and comments, please don't hesitate to email me at knowledgehunter2@yahoo.com
Adds
Unlock the security Code of Your Nokia Phone
Translate
Saturday, June 20, 2009
Sunday, June 14, 2009
May Pag asa Pa Ba?
Sa tuwing maaalala ko ang aking gulang, ang aking kalagayan, ang mga magulang ko't kapatid at katayuan namin sa lipunan; lagi kong itinatanong sa aking sarili kong may pag-asa pa bang matuntun ko ang daang nais kong tahakin sa buhay? Dalawamput siyam na taon na ako ngayon.Kung susumahin,dapat ay nasa stable na ang aking buhay.Lipas na sa tinatawag na "working age" at malapit na ring mawala sa kalendaryo.Ang aking kapatid na bunsong babae'y ilang taon nang naghihintay sa aking tulong na mapagaral ko sa kolehiyo subalit hanggang ngayo'y wala akong magawa.Samahan ko pa ng pansarili kong pangarap ay halos mabaliw na ako sa kaiisip kung malalampasan ko pa ba ang mga ganitong isipin.Sa araw araw na ginawa ng Diyos kapag nakakasumpong ako ng isang katulong sa bahay, isang matandang pulubi sa kanto,o mga kalumpon ng mga estudyanteng rumaragasa papasok ng paaralan ay naalala ko lamang ang aking sariling kalagayan. Sa ngayong walang tiyak na patutunguhan ang aking buhay, lagi kong itinatanong, saan ako pupulutin pagdating ng araw?Ano ang aking magiging kalagayan kung wala pa ring pagbabagong nagaganap sa aking pang araw araw na buhay?Kumikilos naman ako, nagsisikap na mabuti pero walang nangyayari.Parang balewala lang ang lahat. Naging mabuti akong anak sinunod ko ang payo ng aking mga magulang at naging mabuti rin ako sa aking kapwa. Hindi ako nagdulot ng kanilang ikasasakit ng loob at naging mapagkumbaba. O'ot nagkaroon ako ng kaaway ngunit di ako ang naunang manakit ng kanilang kalooban. Buong buhay koy nagi akong mabuting tagasunod at naging mabuting tagapaglingkod sa mga nakatataas sa akin.Ginawa ko na ang lahat, di ako naging pabigat sa aking mga magulang at di rin naging pabigat sa lipunang aking ginagalawan ngunit magpahanggang ngayon parang kulang pa ring ang lahat ng aking pagpapakabuti.Kung minsan naitatanong ko tuloy sa aking sarili, saan pa ba ako nagkakamali?
Sa kasalukuyan nandito pa rin ako.Kung anong trabaho ko nung isang taon, ganon pa rin ngayon.Walang pagbabago.Paulit ulit lang ang nangyayari.Nakakasawa na rin kahit papaano ngunit wala naman akong magawa.Hirap na talaga ng buhay sa totoo lang.Mas lalo pang pinahirap ng kasalukuyang administrasyon.Hindi ko na nga sana dapat pang isali ang bansa sa kung anong kalagayan namin ngayon pagkat nakasalalay sa aming mga kamay ang guhit ng aming kapalaran.Ngunit di ko maiaalis sa aking sarili ang halaga ng aming mga binibiling gastusin at bayarin sa aming mga pang araw araw na pangangailangan.Mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod,maraming nangangailangan ng trabaho ngunit kaunti ang employer, malaking halaga ang inaangkat na produkto ng Pilipinas kesa sa pumapasok na dolyar, mga pinunong nagbabangayan at batuhan ng putik sa halip na pagtutulungan sa pagresolba sa mga problema ng bansa. Samahan pa ng corruption ng mga nakaupo sa puwesto na dapat sana'y sa maliliit na mamamayan napupunta ay halos malugmot na sa putikan ang mga mahihirap na mamamayan.
Sa katotohanan ang isang bansang may magulong pulitika'y di kailanman uunlad.Ang isang mahirap na tulad ko'y lalo lamang malulugmot pa at ang mga mayayamang negosyante't mga dayuhang namumuhunan ay lalo lamang yayaman. Sisipsipin nila ang dugot pawis ng mga maralitang mamamayan at iiwan sa tabi na parang isang basahan.Sa katotohanan noon man at magpahanggang ngayon, ang mamamayan ng Pilipinas ay alipin sa kanyang sariling bayan.

Subscribe to:
Comments (Atom)