Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Sunday, October 31, 2010

Working Student Part 2

Ilang araw din bago ko napag isipang magsulat ulit.Siguro eh dahil nangungulila lang ako sa school o kaya'y nababagot lang ako sa buhay...Tungkol pa rin sa study ko...nakaraos ang first sem ko although parang hindi maganda ang grades ko sa tatlong subject-namely Prostat,Physics 1 and Soculita.Bakit?Siguro eh dahil di lang talaga ako makapag concentrate sa studies...puyat kasi ako lagi pag pumapasok sa school at palagi pang late sa Prostat pati sa Physics kaya kahit Math yong Physics eh di ko pa rin ma catch up ang tinuturo ni maam...marami rin siyang mga physics principle na noon ko lang na encounter na di nya na isinusulat kaya medyo nahihirapan talaga ako mag analyze.Sa Soculita naman kailangan presko at maayos tulog mo para makapag memorize ka ng maayos. Pag hindi kahit ilang beses kong basahin walang pumapasok sa utak ko kaya laging walang sagot sa filling the blanks and enumeration.Kaya minsan dahil lagi akong nasa unahan napapansin siguro ni maam na wala akong maisagot kaya nagkakaroon ng true or false sa pag nagki quiz niya.

Ang akala ko di ako makakatapos ng 1st sem.Akala ko di ko kaya.Kaya ko pala kaso pinansiyal nga lang ang problema.Lagi kasing late magpasahod si Ate(tawag ko sa amo kong babae).Madalas pa ngang hindi nagpapasahod ng 2 to 3 months kaya poro bali ako. Naiintindihan ko naman kasi talagang mahina ang sales kaso ang dam ko namang utang sa kapatid na di pa mabayaran.

October 20 na ngayon at sa November 8 eh pasukan na.Sana makapag enrol ako 2 to 3 days bago ang formal starting of classes. Sana magpasahod naman si Ate.

Bakit nga ba ako nag aaral? Kung minsan eh hinahanapan ko ng mga kasagutan ang kagustuhan kong makatapos ng 4 year course.Una eh gusto kong makahanap ng mas magandang opurtunidad - pag tapos ako ng apat na taong kurso, mag malaki ang chance, pangalawa nais kong maranasan ang pagiging working student at pangatlo gusto kong may pinagkakaabalahan ako dahil nakakabagot ang kasalukuyan kong trabaho.Tumatanda na kasi ako pero walang nangyayaring maganda sa buhay ko.Kailangan ko ng isang bagong karanasan naman. Ayokong nakatali sa isang tabi at hanggang doon na lang habang buhay.

Sa school, ok lang naman mga kaklase ko...yong iba tumataas ang kilay pag nakikita ako...Ewan ko kung bakit wala naman akong ginawang masama.Baka na insecure lang...hahah.ako nga ang dapat ma insecure kasi ang tataas ng grades nila.Yong mga babae, classmate ko lang sila...they are just ghost sa paningin ko because I'm also ghost to them so patas lang.Ganon din sa lalake. Mabuti nga sa lalake dahil kahit papaano may nakakausap ako, may nakakasamang kumain at nagtutulungan sa mga project specially sa programming. Saka I don't need friends naman. Mas gusto kong mapag isa dahil dun ako masaya.Yun nga lang sabi nga, I could miss one fourth of my life if without interactions. Kaya nagsisikap pa rin akong makihalubilo kahit madalas eh ako yong laging nasasaktan.Sabagay it' s already part of my life.

Antok na ko....on duty ako ngayong gabi and tomorrow tulog ako.