Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Monday, March 28, 2011

Working Student Part 4

Sa wakas nakaraos din ako.Nakahinga ng maluwag. Pagdating na pagdating ko kasi kanina from school....bagsak ang katawan....Alam ko kasing huling bisita ko na iyon sa school. Katatapos ko lang kasi ng depend tungkol sa product sa business concept subject namin sa school at yon din and natitirang professor na pipirma sa aking final permit kaya sabi ko nakaraos din....kagabi halos wala na akong maisulat habang kinokumpleto ang documentation about sa product na cellphone ang napili ng aming grupo....which is ako ang pumili non and ako din ang gumastos and ako din ang gumawa....parang wala lang ni piso wala silang binitawan...ang sama naman non.

Well ok lang ang importante nairaos ko ang depend....kahit wala akong long sleeves...nakihiram na lang ako sa school sa nga natapos na ka classmate ko na mag depend....Ihiniram ako ng ka grupo ko kasi samin sa subject na iyon ni isa eh wala akong ka close....irregular kasi ako...So ahead na sila sa akin ng maybe one sem.Kagabi lang kasi iniisip ko kung pwede ang black polo shirts na susuutin...pero yun talaga sinuot ko nang pumasok ako sa school. Naiwanan ko pa nga ang ID ko sa kamamadali. Buti na lang pinapaso ako ng guwardiya.Tinanong lang ako kung sino ang titser ko...

Sa pag aaral kong ito isa sa mga natutunan ko, sa oras ng kagipitan wala kang ibang makakapitan kundi ang sariling paraan, hindi kaibigan....ang kaibigan nandyan lang yan nag tetext pag may kailangan.

Nasabi ko palang huli ko nang punta sa school. Siguro punta na lang ako doon para kumuha ng grades kasi ayaw na akong payagan ng amo ko na mag aral pa ako...Pinapapili na ako kung mag aaral ako o magta trabaho. Pinili ko na lang ang trabaho kesa naman pag aaral na wala naman akong maitutustus kung walang trabaho. Wala naman kasi akong makuhang ibang trabaho. Sana Call Center. Call center lang talaga...kaso babagsak ako sa english.Yun ang problema ko. Parang di na ako makakagawa ng paraan para makapag aral muli. Parang di na ako makakapag patuloy pa.

"Alvin, kung ginagawa mong library itong shop at hindi mo ginagawa trabaho mo mabuti pa nga concentrate ka na lang sa pag aaral at hahanap na lang ako ng iba. Lagi na lang ganito na lagi ka dapat pagsabihan."8:57AM 19-Mar-11.

Yan ang eksaktong text message na natanggap ko sa aking amo. Marami na kasi ang hindi magamit na computer. Hindi ko na kasi maasikaso ng maayos kasi sa mga documentation at at poro project sa limang subject ko sa school ngayong sem na ito. Nadagdag pa yong yong PC na di naman sira pero di magamit dahil ayaw mag bukas ng monitor....nagloko yong AVR dahil madumi na or na dislocate lang....yong iba naman eh talagang board na...

Kung may mahanap lang talaga akong ibang trabaho...di ko pagtitiyagaan ang shop na ito. Kaso wala . Ayokong magmalaki na wala naman akong maipag mamalaki. Kung nakatakdang di na talaga ako makakapag aral...di ganon talaga...

Simula nong December... di pa ako sumasahod. Poro bali. Bali na lang ng bali. Wala namang sahod.Buti nga at nag aaral ako...At least nakakabali ako ng malaki laki...may dahilan para bumali.Papano kung di na ako nag aaral...Eh di naipon lahat ng sahod ko sa kanya. Di naman siya nagpapasahod. Kung ganon eh siguro weekly babali ako 1000.Kaya nga no nagtatrabaho para magkapera tapos di pa nagpapasahod...Ang hirap kaya ng ganon...dami ko tuloy utang ...nay utang pa ako sa 5'6. Tulad nyan ubos na yong bigsa na galing probinsiya...kauubos lang nong gasol nong isang araw...Alangan namang poro kapatid ko na naman ang gumastos para doon. End do na rin ang kapatid ko next month...wala na naman siyang trabaho....uuwi daw siya ng bicol after end do...wala daw pera...yon pa kinakatakot ko....sakali mang umalis ako dito sa shop. Pano kong pati ako wala trabaho....eh di si nene na lang ang mayron pano na...Ang hirap talagang mabuhay.....lalo na kung ginigipit ka pa lalo ng mga nakapalibot sayo...wala na yata akong pag asang makaahon man lang sa kahirapan....matanda na si nanay at nahina narin si tatay para mag trabaho sa bukid...Gustuhin ko man silang patigilin...wala naman akong maipapakain sa kanila...Dahil sa pangarap ko...Mahirap talagang timbangin ang mga bagay bagay.