Adds

Unlock the security Code of Your Nokia Phone

Wahana Ponsel FREE
Nokia Master Code
IMEI:

Translate

Wednesday, December 26, 2007

Yahoo Answers

Friday, December 7, 2007

Your Guardian Angel - Red Jumpsuit Apparatus

This is my favorite songs...I love it so much. Everytime I am in front of a computer screen I always used this as my background music.Maganda kasi.Di ko lang alam kung kailan ako masasawa.hehehehe.....

Wednesday, December 5, 2007

What's Life

Sa tuwing maglalakad ako pauwi mga 10:00 pm di ko maiwasang isipin kung kailan ako magiging ganito ang buhay. Nagsikap akong mag aral ngunit hanggang ngayon ay isa pa ring hamak na empleyado sa isang maliit na computer shop.

Sa probinsya, sa tuwing uuwi ako maraming mga pagbabagong nangyayari. Yong ka-batch ko nong High School, isa na palang Elementary teacher.Yong iba naman, may kanya kanya nang pamilyang binubuhay. Hindi ko man sila nakita ngunit itoy ayun na lang sa mga kuwento ng aking kapatid. Siguro kung Education ang kinuha ko, isa na rin akong teacher ngayon.Ayaw ko kasi munag makulong sa apat na sulok ng silid aralan habang buhay.Biruin mo naman, 6 years in Elementary, 4 years in High School and then 4 years in college tapos paaralan pa rin ang babagsakan mo after graduation?Nais ko namang maranasan ang buhay sa labas, ang umakyat ng elevator papasok ng trabaho. Nais ko namang maranasan ang mabuhay ng nag iisa at malayo sa pamilya, malayo sa lugar na aking sinilangan. Ayaw ko na kasing maranasan ang maggapas ng palay at magbilad sa init ng sikat ng araw. Maliit pa akoy hindi iyon ang aking pinapangarap kaya naman pinaghandaan ko ang aking paglaki-ang aking pakikibaka sa hamon ng buhay.Pero ang lahat ng paghahandang yon ay nauwi lang sa wala ang lahat nang mamulat ang aking isipan sa tunay na kalagayan ng buhay at kalagayan ng bansa na aking kinabibilangan. Bumagsak sa lupa ang matatayog kong pangarap sa aking mga magulang at kapatid nang dahil sa kawalan ng magandang trabaho.Nagtaasan ang mga bilihin at pang matrikula habang lumilipas ang panahon. Lalo tuloy kaming nabaon sa kahirapan. Kahit ano pa mang pagsisikap ang aking gawin wala pa ring mangyayari, isang kahig isang tuka pa rin hanggang ngayon.Masakit mang isipin ngunit ito ang katotohanan, uulitin ko lang ang ang nakagisnan kong buhay sa aking mga magulang hanggang sa pagtanda.

Ngayon malimit kong itanong sa aking sarili, naging mabuti akong anak, nag aral ng maigi, saan ba ako nagkamali? Ako gayon din ang ibang nakapagtapos sino pa ba ang dapat naming sisihin?Hindi bat ang kasalukuyang pamahalaan?Sa edad kong ito makakahanap pa ba ako ng trabaho?Bakit kailangang may age limit? Hindi naman ganon nong mga panahon pa ni Marcos? Nong kapanahunan pa ng aking mga magulang, kahit anong edad basta't kaya mo at alam mo ang trabaho makakapasok ka.Napakadali ding makarating ng ibang bansa pagkat hindi mahigpit sa mga kinakailangang dokumento. Pero ngayon butas na nga ang bulsa mo sa kababayad ng tuition fee sayong pag-aaral, sisimutin pa ng pamahalaan ang bulsa mo makuha mo lamang angmga kinakailangan dokomento sa paghahanap ng trabaho. Tapos kapag wala ka pang backer as in malakas na kapit sa aaplayan mo, malabo ka pang makapasok. Ang masama pa dun, expired na lang ang mga requirements mo wala ka pa ring trabaho! Kaya ayun naturingan ka ngang nakatapos, palamunin ka pa rin ng magulang.

Masaklap ngunit yan ang katotohanan..., hindi lamang ako ang nakakaranas, marami kami...mga naghihintay at umaasa sa isang magandang bukas.

Tuesday, December 4, 2007

Hay buhay!

Isa lamang ako sa maraming mga taga probinsya na pinipilit abutin ang mga pangarap gamit ang talinong natutunan sa pag aaral.Nagsikap akong mag aral sa paniniwalang yong lang ang tanging pakpak ko sa pakikipagsapalaran, sukdulang magsunog kilay mapabilang lang sa top 5 at top 3 maipagmalaki lang ako ng aking magulang, masilayan ko lang ang ngiti ng kanilang pinaghirapan. Mahirap subalit kakayanin ko alang alang sa nga magulang kong binata ang hirap mapatapos lamang kaming magkakapatid.

Ngayong heto ako nagtitiyaga sa isang computer shop 150 a day.Kahit papaanoy nakakaraos sa pang araw-araw pati buwanang gastusin.Ang hirap pero heto buhay pa rin.

Ang hirap kasi mghanap ng trabaho.Oo nga't may pinag aralan ako kahit 2 year college course, naranasan ko ang trabahong janitor, merchandiser ng Del Monte products sa grocery, service crew ng Burger Machine sa COFC(Caloocan Area), at sa panaderya na taga hulma at tagaluto ng tinapay pero hindi iyon ang mga pinapangarap kong trabahong mag aahon sa amin sa kahirapan. Naranasan kong maglakad sa nagtataasang gusali ng Makati sa kahahanap ng address na nabasa ko sa classified adds sa dyaryo pero nagsayang lamang ako ng pamasahe at panahon.Napagod lang ako sa walang kabuluhang bagay.Kung bakit kasi yaong mga job hiring sa pilipinas eh kadalasan mga call center pa hinahanap.Buti sana kung lumaki ako sa America o nanirahan man lang ng kaunting panahon sa Amerika at natutu ang dila kong mamilipit sa kai-ingles.

Naalala ko pa noon ang sabi ko sa aking magulang na sa oras na makahanap ako ng trabaho'y kukunin ko ang aking kapatid upang pag aralin dito sa Maynila at pagkatapos yong nakatapos naman ang magpapaaral sa bunso.Madaling sabihin, madaling mangarap pero sa totoong buhay ang hirap pala.Kung minsan nga hindi ko na alam kung ano at saan ako kukuha ng makakain ko sa susunod na araw.

December na naman.Malapit na naman ang isang bagong taon.Magdaragdag na naman ng taon ang aking edad.Ang tanong?Nagbago ba ang takbo ng aking buhay?Paulit ulit lang ang lahat....nakakasawa na.Wala nang katapusan.

Pano naman ang mga pangarap ko?

By Cybermind

My Biography