Sa probinsya, sa tuwing uuwi ako maraming mga pagbabagong nangyayari. Yong ka-batch ko nong High School, isa na palang Elementary teacher.Yong iba naman, may kanya kanya nang pamilyang binubuhay. Hindi ko man sila nakita ngunit itoy ayun na lang sa mga kuwento ng aking kapatid. Siguro kung Education ang kinuha ko, isa na rin akong teacher ngayon.Ayaw ko kasi munag makulong sa apat na sulok ng silid aralan habang buhay.Biruin mo naman, 6 years in Elementary, 4 years in High School and then 4 years in college tapos paaralan pa rin ang babagsakan mo after graduation?Nais ko namang maranasan ang buhay sa labas, ang umakyat ng elevator papasok ng trabaho. Nais ko namang maranasan ang mabuhay ng nag iisa at malayo sa pamilya, malayo sa lugar na aking sinilangan. Ayaw ko na kasing maranasan ang maggapas ng palay at magbilad sa init ng sikat ng araw. Maliit pa akoy hindi iyon ang aking pinapangarap kaya naman pinaghandaan ko ang aking paglaki-ang aking pakikibaka sa hamon ng buhay.Pero ang lahat ng paghahandang yon ay nauwi lang sa wala ang lahat nang mamulat ang aking isipan sa tunay na kalagayan ng buhay at kalagayan ng bansa na aking kinabibilangan. Bumagsak sa lupa ang matatayog kong pangarap sa aking mga magulang at kapatid nang dahil sa kawalan ng magandang trabaho.Nagtaasan ang mga bilihin at pang matrikula habang lumilipas ang panahon. Lalo tuloy kaming nabaon sa kahirapan. Kahit ano pa mang pagsisikap ang aking gawin wala pa ring mangyayari, isang kahig isang tuka pa rin hanggang ngayon.Masakit mang isipin ngunit ito ang katotohanan, uulitin ko lang ang ang nakagisnan kong buhay sa aking mga magulang hanggang sa pagtanda.
Ngayon malimit kong itanong sa aking sarili, naging mabuti akong anak, nag aral ng maigi, saan ba ako nagkamali? Ako gayon din ang ibang nakapagtapos sino pa ba ang dapat naming sisihin?Hindi bat ang kasalukuyang pamahalaan?Sa edad kong ito makakahanap pa ba ako ng trabaho?Bakit kailangang may age limit? Hindi naman ganon nong mga panahon pa ni Marcos? Nong kapanahunan pa ng aking mga magulang, kahit anong edad basta't kaya mo at alam mo ang trabaho makakapasok ka.Napakadali ding makarating ng ibang bansa pagkat hindi mahigpit sa mga kinakailangang dokumento. Pero ngayon butas na nga ang bulsa mo sa kababayad ng tuition fee sayong pag-aaral, sisimutin pa ng pamahalaan ang bulsa mo makuha mo lamang angmga kinakailangan dokomento sa paghahanap ng trabaho. Tapos kapag wala ka pang backer as in malakas na kapit sa aaplayan mo, malabo ka pang makapasok. Ang masama pa dun, expired na lang ang mga requirements mo wala ka pa ring trabaho! Kaya ayun naturingan ka ngang nakatapos, palamunin ka pa rin ng magulang.
Masaklap ngunit yan ang katotohanan..., hindi lamang ako ang nakakaranas, marami kami...mga naghihintay at umaasa sa isang magandang bukas.
No comments:
Post a Comment