"A success person has a good and permanent job, eat on time, with a happy and God fearing family, no enemies and with time for leisure. A standard of success depends to the person. Every people are not contented on what they have. In every dream they attain, a new goal is reborn." I’m Alvin Bedes and welcome to my blog where I post my comments, my views, my stories. If you have any question and comments, please don't hesitate to email me at knowledgehunter2@yahoo.com
Adds
Unlock the security Code of Your Nokia Phone
Translate
Sunday, December 28, 2008
If and Only I'm Abundant with Money...
What I wanted to? I have so many things to do.I wanted to be a scientist and study abroad. I wanted to be an astronomer and flew up into space.I wanted to live in every country because I want to know how to speak and write their own language such as japanese, chinese, latin, greek, arabic, korean... My life in this world is short to study all of that.I wanted to know how to play piano because I wanted to compose a beautiful song that will express my feelings to someone. A song that will give hope and enlighten the heart of everyone.
I wanted to know how a machine works with a gasoline so that I could arrive to a solution that could invent a machine that will run through a water.I know someone knows that and it is from my own country but he had no intention to spread it to everyone. If there is, why he does'nt write a book about it.He was too selfish.If he will share it, it will be a big help to every human in my country specially to the poor community. If GOD gave me that talent,I will not waste it.
Poor child.One of those child is me.I've reach with this age with nothing but still dreaming. GOD gave me a talent but I cannot use it.The truth, I need to work hard everyday for my living and not for my dreams.How pitiful I am. That is why I envy otheres who had enough and can do what they want.I studied but not enough to feed my hungry mind.I need money to conquer my dreams.Everything in this modern world needs money to survive and to live in happiness.The happiness in gaining more knowledge not the happiness to fun with friends.
Most of all the most reasonable one why I need to know everything is because I wanted to do things to the world that will never ever forgotten me and that will cherish me as long as the world is here.Time will come, I will be leaving.Everyone will be leaving but the world will stay...and I do not want to leave without nothing left to them.I would be happy if this is my duty - to leave with importance to the world even an ordinary citizen like me.
An open Letter to The Present and to The Future Presidents of The Philippines
Saturday, July 5, 2008
What Matters Most - Kenny Rankin
Maikli lang ang buhay ng tao sa mundong ibabaw.Lumilipas ang panahon.Tumatanda ang tao.Ngunit ang mundoy nananatili.May mga dumarating at may mga nawawala at mayroon ding namang nananatili.So cherish those who are here with you and remember those that was become a part of your journey in life....
mas mabuti pa ang magmahal at nawala kaysa walang minamahal kailanman.
Wednesday, May 14, 2008
An Open Letter to the Present and to the Future President of the Philippines
"So I started with that and then I..What I did is I went to see the President former president Marcos and then explained my inventions that could help our country.The president will come the idea but the problem is there was a Coup de 'etat so it became failed so there was another president Cory Aquino and as a matter of fact she ride the car with me and he was with me in the car testing the car and he said that "This is the miracle I had been waiting for".But sad to say that after two weeks I was able to know that the Government is not in the position to help because as under the aggreement between the IMF and the World Bank; Our country is under obligations by the IMF and the World Bank not to produce anything that will compete their product and then so the 40% of all tax, there will be no more revenue for the government. But I told him that Sir It will prolong the life of the people. There will be no more pollution.So I keep working on it and then improving my inventions.Maybe thinking that one day, someday maybe this inventions will be used and it will help humanity."
Para sa minamahal naming Pangulo at sa mga susunod pang pinuno ng bansa.Ang Pilipinas ay tinaguriang “isang pulubing nakaupo sa ginto” sa kadahilanang sagana nga tayo sa mga likas na kayamanan ngunit di naman natin alam o kaya’y kulang tayo sa mga kagamitan para lubos na mapakinabangan.Nakasalalay sa aming mga kabataaan ang mga gawa subalit nasa inyong mga kamay ang pagpapatupad.Ang isang pulutong ng mga mangangabayo ay hindi magtatagumpay sa pakikipaglaban kung walang mamumuno sapagkat magkakaroon ng ibat ibang paraan at layunin. Kasabihang ang isang kahariang nagkakabaha-bahagi ay bumabagsak.
Kung kayo po ay manghahalal ng mga manunungkulan sa ibat ibang sektor ng lipunan ay nararapat po nninyo itong bantayan.Walang asa-asawa, walang anak, walang kamag-a mag-anak, walang kaibigan at walang kapatid.Samakatuwid walang dapat na panigan.Ang mga kamaliang magagawa ng inyong mga tagapangasiwa sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay dagta sa inyong pangalan at isang nakahahawang sakit ang maaaring epekto niyon na unti unti na palang pumapatay sa mga maliliit na mamamayan ng inyong nasasakupan.Hindi mo lang iyon mapapansin subalit iyong mararamdaman paglipas ng panahon.Kaming mga mamamayan ay hindi tumitingin sa inyong mga nagawa kundi sa pangkalahatang resulta ng inyong mga nagawa. Pangunahan mo ang mga mamamayan sa mga proyektong tatamasahin nila ng pangmatagalan at di pang maikling panahon lamang. Sabi nga wag mo silang bigyan ng isda kundi turuan mo po silang mamalakaya ng isda.
Taon taon ay libo libong mga propesyunal ang nagsisipagtapos-doktor, inhenyero, mekaniko, mga nakapag aral sa IT at kung anu-ano pa subalit iilan lamang sa kanila ang mga pinalad sa mundo ng kanilang propesyun.Kung sila po ay inyong gawing kasangkapang makagawa ng mga kagamitang lilinang sa ating mga likas na yaman hindi na sana natin kailangan pang magbitaw ng dolyar, malinang laman ang sariling atin.H’wag po nating iasa sa ibang bansa ang kaunlaran natin sa agham at teknolohiya.Ito’y nararapat magsimula sa sarili nating bayan sapagkat tayong lahat at kahit alinmang bansa wala kang mababalitaan na sila’y nagsimula ng mayroon na, kundi sa wala. Gawin po nating halimbawa ang bansang Japan.Salat sila sa likas na yaman subalit maunlad na bansa dahil sa agham at teknolohiya .Matalino ang mga Pilipino subalit wala pang Pangulo ang nagpahalaga sa katalinuhan ng kasalukuyang henerasyon.Batas ang humahadlang sa mga imbentor ng bayan kayat igawad din sana ang batas na sa kanila’y magbibigay daan.Sana naman may isang sumulpot na Pangulo ng Pilipinas na magpapahalaga sa mga imbentor ng bayan. Isang Pangulong makasiyensya, may pagpapahalaga sa larangan ng agham, teknolohiya at edukasyon.
Nakapanlulumo pong isipin na may isang Pilipinong ibinuhos nya ng kanyang buhay at panahon sa pag iimbento ng isang napakahalagang teknolohiya subalit dahil lamang sa ating utang sa IMF at Worldbank ay nawalang saysay ang lahat. Anong silbi ng talinong ibinigay sayo ng Diyos kung mismong dahil sa kasakiman, inggit at mkasariling pananaw ng mauunland na bayan ay winalang kabuluhan ito. Wala na bang halaga sa kanila ang pagbabagong bihis ng agham at teknolohiya dahil lamang sa malulugi sila pag niyakap ang imbensiyong ito?
Maikli lang ang ating buhay sa mundong ibabaw. Ang bawat isa sa atin ay papanaw. Kung binigyan man tayo ng talino at kakayahang makagawa ng isang bagay, sanay marunong tayong mamahagi ng kaalaman kung ito naman ay para sa ikabubuti ng mamamayan ng kasalukuyan at ng sa susunod pang henerasyon.
Pulitika ang dahilan sa paghihirap ng bansang Pilipinas. Hawak tayo sa leeg ng mga dayuhang namumuhunan sa sarili nating bayan at ng mga bansang mauunlad na ating pinagkakautangan na kinurakot lang naman ng mga nakaraang administrasyon. Kung isasantabi lamang ng bawat nanalo at natalong kandidato ang pulitika at harapin ng bawat isa ang kanilang papel na dapat gampanan sa lipunan, tulungan sa halip na siraan ang pinuno ng bayan mahalin kahit na ang pinaka mabigat na kaaway, magtulungan para sa iisang layunin - ang paunlarin ang mamamayan at ang bansa siguro nama’y tatakbo ng maayos at tahimik ang lahat sapagkat ang pinuno ay makapag iisip ng maayos ng walang pangamba’t alinlangan
Opurtunidad at Negosyo
Gumagalang,
cybermind
Monday, May 12, 2008
Whats the Reason why Pilipino inventor will be having no supports from the governments?
"So I started with that and then I..What I did is I went to see the President former president Marcos and then explained my inventions that could help our country.The president will come the idea but the problem is there was a Coup de 'etat so it became failed so there was another president Cory Aquino and as a matter of fact she ride the car with me and he was with me in the car testing the car and he said that "This is the miracle I had been waiting for".But sad to say that after two weeks I was able to know that the Government is not in the position to help because as under the aggreement between the IMF and the World Bank; Our country is under obligations by the IMF and the World Bank not to produce anything that will compete their product and then so the 40% of all tax, there will be no more revenue for the government. But I told him that Sir It will prolong the life of the people. There will be no more pollution.So I keep working on it and then improving my inventions.Maybe thinking that one day, someday maybe this inventions will be used and it will help humanity"
I know that it is not the only reson.It is only one of the reason.Ang katuparan ng tubig bilang pamalit sa langis ay katuparan sa pagbagsak ng malalaking oil companys maging paghina ng mga industriya ng elektrisidad.Subalit patuloy na umiikot ang mundo, patuloy ding umuunlad ang teknolohiya subalit ang tao'y lumilipas. Kung kaya't tanggapin na natin ang katotohanan na ang bawat isa'y may hangganan.Sana naman suportahan natin ang anumang nagagawang maganda para sa daigdig kahit na ng karaniwang mamamayan.
Thursday, April 10, 2008
Opurtunidad at Negosyo
Sabihin na nating at age of 18 ay nagsimula ka ng magtrabaho.Pagkalipas ng 10 taon, 28 years old ka na at nakaipon ka na ng 360000.Lumipas pa ang 30 taon at nakaipon ka ng 1.44 milyon sa edad na 58 taong gulang.Ngayon, ito ang tanong?Buong buhay mo'y inialay mo sa pagiging isang empleyado, mai-enjoy mo pa ba ang 1.44 milyon gayong uugod ugod ka na't kung tutuusin ay napakaliit na halaga? Makakapag outing ka pa ba,mmakakapag excursion ka pa ba sa mga magagandang resort at makaaakyat ka pa ba sa bundok kasama ang iyong mga barkada at kaibigan na di iindahin ang mabilis na pagkapagod dala ng katandaan?Anong halaga ng buhay kung di mo man lang ma enjoy sa iyong kabataan?Matatamo mo lamang ang mga iyon kung malaki ang pumapasok kesa lumalabas.Ito'y sa pamamagitan lamang ng isang negosyo.
"Anak...,mag-aral kang mabuti para kapag lumaki ka makakakuha ka ng magandang trabaho."
Kadalasan yan ang ating naririnig sa ating mga magulang.Kaya naman karamihan sa mga pilipino ay ipinanganak at tumanda bilang isang empleyado.Mula pagkabata yan na ang itinatanim sa ating mga kukuti ng ating mga mga magulang.Sabagay sino nga ba naman ang magasasabi ng "Anak magsikap kang mabuti para makapag ipon ka ng puhunan sa isang negosyo", gayong isang kahit isang tuka lang naman ang iyong pinagmulan?
"Opurtunidad o pagkakataon".Yan ang tanging pinanghahawakan ko sa kasalukuyan kaya't patuloy akong nabubuhay at nakikipagsapalaran.Kaalaman ang inihatid sa akin ng diploma na lehis sa diplomang gusto kong maabot dahil sa kahirapan; at hindi kaluwagan ng pamumuhay.Dahil sa diplomang yaon kung kayat kinailangan kong mabuhay sa paghihigpit ng sinturon dahil maganda sa pandinig ng iba.Subalit hanggang kailan kung pakiwari ko'y sinisingil na ako ng aking mga magulang at syang maaasahan lamang ng aking mga kapatid.Kinailangan ko na bang isantabi ang diplomang ito upang kahit papaanoy'y tulad noon ay may naiaabot sa aking mga magulang?Umuusad ang panahon at tiyak na mapag iiwanan ako ng IT age kung ibang landas ang aking tatahakin na tiyak na walis at tambo ang aking kahahantungan sapagkat dahilan sa limitasyon ng edad.
"Oppurtunity knocks only once".But how long will I wait for that oppourtunity?When it be? How? Who?
By Cybermind
Philippine Politics Useless!!!
Saturday, April 5, 2008
Bigas!
Bigas ang isa lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy.Kung ang presyo nitoy lalo pang tumaas, lalong marami ang magugutom at marami ang kakapit sa patalim para lamang may maihulog sa kanilang mga kumakalam na sikmura.Nakakabuwisit talaga ang presyo ng bigas sa tuwing maalala ko.Sa kabilang banda ng aking utak, ang gobyernong Arroyo ang sinisisi ko sapagkat poro pangungurakot-mga nawawalang pondo na di maipaliwagag ang nakabalandra sa kanyang imahe simula ng malukluk sya sa kanyang pwesto sa halip na gumawa sya ng hakbang upang suportahan ang mga magsasaka, dinggin ang kanilang mga karaingan at upang magkaroon ng isang masaganang ani ang bansa. Mayaman ang Pilipinas sa lupaing agrikultura subalit hindi rin naman napapakinabangangan sapagkat ang pamahalaan mismo ay wala rin namang pakialam!!!!
Mayaman din ang bansa sa mga matatalinong tao-mga imbentor halimbawa subalit sa kawalang suporta ng pamahalaan, mas nauna pang iba ang nakikinabang at kumilala kaysa sa sariling bayan.
Friday, February 29, 2008
Philippine Politics...Useless!!!!
Ipinagbunyi natin ang kasarinlan para mapabuti ang bayan subalit ang naging bunga'y lalo pang napasama.Iniiwas natin ang ating bayang apihin ng mga dayuhang Amerikanong magbibigay ng kaginhawahan upang magkaroon ng dignidad at sariling paninindigan para lamang gutumin, pahirapin at ilugmok lalo sa putikan ng buwaya sa sariling bayan.
Walang sinumang Pulitiko ang magbibigay ng kaluwagan sa kabuhayan para sa inang bayan hanggat utak ng isang bobong pinoy ang namamahala sa bansa.Papaano naman maresolba ang krisis ng bayan kung ang programa ng pamahalaan ay para sa ikabubuti ng iilan lamang at di ng buong bayan. Ang umupo sa kanyang puwesto at magpabango ng pangalan sa iilang tao-ang tumulong na pakainin sila sa sarili niyang pinggan sa halip na turuan silang maghanap ng kanilang sariling ikabubuhay na pang habang buhay mawala man siya sa kanyang kinauupuan?
Ang pagiging isang pangulo'y napakabigat na responsibilidad para sa isang mabuting mamamayan. Subalit isang madaling tungkulin para sa isang magnanakaw ng bayan. Ito'y nangangailangan ng malalim at matalinong pagpaplanong pakikinabangan ng lahat nang walang anumang kahit kaunting pansariling hangarin.Isang proyektong hindi nagangailangan ng agad agarang resulta kundi dahan dahan tungo sa kaunlaran ng bansa. Tanging isang pinunong may maka siyensyang pananaw lamang ang makagagawa nito. Kung hindi'y daragdagan n'ya lamang ang pagkakautang ng inang bayan sa ibang bansa.Pag nagkagayon magmula nang magsarili ang bansa hanggang ngayon, patuloy na magiging walang halaga ang pulitika sa mga pangkaraniwang mamamayan sa Pilipinas.
By Cybermind
My 2007 Post-Whats Life and Hay Buhay!!!